Tourism Legacy and Livelihood Program: Senior Citizens

by Gold Repedro / 427 views

May livelihood opportunity para sa senior citizens sa Manila!
Maging DOT-accredited community tour guide sa Intramuros. Sumali sa libreng pitong-araw na seminar ng Department of Tourism (DOT) at National Commission of Senior Citizens (NCSC) kung saan tatalakayin ang tour guiding at kasaysayan ng Intramuros.
 Petsa: September 23 – October 1, 2025
Mga Kwalipikasyon
• Dapat ay residente ng Lungsod ng Maynila
• Physically fit
• May edad na 60 taong gulang pataas
• Marunong makipag-usap sa wikang Ingles
Pipili lamang ang DOT at NCSC ng hanggang tatlumpung (30) aplikante.
Ano-ano ang mga requirements?
• Application form
Maaaring i-download sa pamamagitan ng QR code
• Curriculum vitae (CV) o resume
• 2×2 ID picture
• Kopya ng senior citizen ID mula sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA)
Paano mag-apply?
Ipadala ang kumpletong requirements sa National Commission of Senior Citizens – SECADNA sa email na secadna@ncsc.gov.ph hanggang August 22, 2025 (Biyernes).
Paalala sa proseso ng pagpili:
1. Lahat ng aplikante ay sasailalim sa screening o proseso ng pagpili.
2. Ang mga mapipili ay makatatanggap ng endorsement mula sa NCSC.
3. Ang mga inendorso ay sasailalim sa profiling session ng DOT.
4. Tanging ang mga matagumpay na aplikante lamang ang makadadalo sa libreng pitong-araw na seminar sa community guiding at dadaan sa proseso ng DOT accreditation.
5. Ang DOT accreditation ay isang hiwalay na proseso na nangangailangan ng pagsusumite ng mga documentary requirements sa DOT.
Para sa karagdagang impormasyon:
Department of Tourism
• Trunkline: 151-8687
National Commission of Senior Citizens
• Contact persons: Ms. Marianne Faminianno or Ms. Louise Cangke
• Email: secadna@ncsc.gov.ph
• Trunkline: (02) 8567-5646
Paalala: Ang mga programa ng DOT at NCSC ay nakatuon lamang sa pagsasanay ng mga nakatatanda para sa mga gawaing may kaugnayan sa turismo. Isa ang libreng 7-day training para sa tour guiding at kasaysayan ng Intramuros sa mga programang pang-turismo.
Gold Repedro

  • Listing ID: 39304
Contact details

Rm. 140, G/F, Manila City HallManila Show phone number ***** https://www.facebook.com/dtcam.manila

Written by Gold Repedro

Human Resource Manager

Tara, MGA Museum Workers!